Nagbabala si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ipagpapatuloy niya ang giyera sa Gaza kung hindi papakawalan ng Hamas ang mga bihag.
Ito ang kaniyang reaksyon sa naging pahayag ng Hamas na ititigil muna nila ang pagpapalaya ng mga bihag dahil sa ginawang paglabag ng Israel sa ceasefire deal.
Dagdag pa nito na kapag hindi napalaya ang mga bihag ng hanggang Sabado kung saan magtatapos ang unang bahagi ng ceasefire ay hindi magdadalawang isip ang Israel na ituloy ang matinding labanan sa Hamas.
Hindi aniya sila titigil na lusubin ang kuta ng mga Hamas hanggang hindi sila lahat nauubos.
Magugunitang sinabi ng Hamas na napuno na sila sa paulit-ulit na paglabag ng Israel sa ceasefire na ipinatupad noon pang Enero 19.
Ilan sa mga paglabag na tinukoy ng Hamas ay ang patuloy na pag-atake ng Israel sa Gaza, ang hindi pagpayag na makapasok ang 600 na aid trucks , ang hindi pagpayag na 200,000 tents na itayo, ganun din ang hindi pagtugon na dapat ay mayroong 50 pasyente na dapat dalhin sa pagamutan kada araw.
Hinarang din ng Israel ang mga heavy equipment na siyang magsasa-ayos ng mga nasirang gusali sa Gaza.