Naglatag ng ilang plano si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu kapag natapos na ang giyera nito sa Gaza.
Sa ilalim ng plano nito ay kokontrolin ng Israel ang security ng Gaza ng walang limitasyon.
ang mga Palestino na hindi sangkot sa sangkot sa anumang grupong kalaban ng Israel ay siyang magpapatakbo sa nasabing teritoryo.
Hindi naman inilagay ni Netanyahu ang West Bank-based Palestinian Authority na mamuno sa Gaza pagkatapos ng giyera.
Sa ilalim din ng plano ay papanatilihin ng Israel ang security control sa buong west Jordan mula lupa, dagat at himpapawid.
Kinondina naman ng kampo ni Mahmoud Abbas ang pangulo ng Palestinian Authority kung saan na maaaring bumagsak ang nasabing plano na ito ni Netanyahu.
Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang pulong ng mga ceasefire negotator para sa tuluyang mapalaya na ang mga bihag ng Hamas.