-- Advertisements --

Nagmatigas si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na dapat ay kontrolodo ng nila ang mga pangunahing teritoryo ng Palestine kabilang na ang Gaza border nila ng Egypt.

Ang nasabing hakbang ay isa lamang sa ilang mga kondisyon nito para magkaroon ng kabuluhan ang ceasefire deal sa Hamas.

Sa kaniyang pakikpagpulong sa mga mediators sa Qatar, sinabi nito na mahalaga na mapigilan ng Israel na makarating ang mga armas sa Hamas.

Ito ang unang pagkakataon ng ipinilit nito ang pagkontrol sa mga panig ng Palestine ng Rafah border crossing ng Egypt at ang tinatawag na Philadelphi corridor.

Ang nasabing proposal naman ay taliwas sa nais ng Hamas na nagmungkahi na dapat ay tuluyang lisanin ng Israel ang Gaza teritory matapos ang ceasefire.

Magugunitang ginagawa ng mga mediators ang lahat ng kanilang makakaya para magkaroon ng ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas.