-- Advertisements --

Tinanggihan ni Israeli Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang mga dikta ng iba’t-ibang bansa na dapat bumuo ng Palestinian state.

Sinabi nito na ang nasabing pagsasaayos ay maisasagawa lamang sa pamamagitan ng direktang negosasyon sa pagitan ng magkabilang partido.

Giit nito na kanilang hindi susuportahan ang anumang unilateral recognition ng Palestinian state.

Isinagawa nito ang pahayag matapos na makausap sa telepono ni Netanyahu si US President Joe Biden.