-- Advertisements --
Nakalabas na ng pagamutan si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu matapos ang prostate operations.
Ayon sa kaniyang opisina na naging matagumpay ang isinagawang operasyon kay Netanyahu.
Mula sa Hadassah Ein Kerem Hospital ay agad na dumiretso ito ng kaniyang bahay.
Dagdag pa nila na naging maganda ang kondisyon ng kalusugan ng 75-anyos na si Netanyahu at walang anumang naging aberya sa kaniyang operasyon.
Magugunitang noong araw ng Linggo ng dinala ito sa pagamutan ng ma-diagnosed ito ng urinary tract infection na nagresulta mula sa benign prostate enlargement.