-- Advertisements --
Nanawagan si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa US na dapat bilisan ang pamimigay ng military aide.
Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga mambabatas ng US na mahalaga ang nasabing tulong para tuluyang matapos na ang kaguluhan sa pagitan nila ng Gaza.
Noon pa man aniya ay maganda ang mga ibinibigay ng US na mga armas at hindi matatawaran ang nasabing mahigpit na alyansa ng US at Israel.
Matatapos lamang ang kaguluhan sa Gaza kung Isusuko ng mga Hamas ang kanilang armas, sumuko ang mga ito at palayain ang mga hawak nilang bihag.
Pinuri din nito si dating US President Donald Trump at siya nagpasalamat ng malamang ligtas ito sa pamamaril.