-- Advertisements --
Walang balak na tumalima si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa mga panawagan ng ibang bansa na iwasang atakihin ang Rafah City sa Gaza.
Ang nasabing lungsod ay siyang lugar na tinakbuhan ng nasa 1.5 milyon na Palestino mula ng magsimula ang Israel sa kanilang opensiba.
Sinabi nito na hindi sila padadala sa international pressure para makamit ng Israel ang layunin nito sa digmaan.
Giit nito na kapag tumalima sa hiling ng maraming bansa na hindi umatake sa Rafah ay tila nagpapakita na sila ay sumusuko na sa laban.
Mararapat na ituloy-tuloy ng Israel ang giyera hanggang tuluyang masawata na ang mga Hamas militants.
Hihinto lamang sila kapag maituturing na hindi na banta ang Gaza sa Israel.