-- Advertisements --
Nanindigan si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi na mamumuno ang Hamas sa Gaza kapag tuluyan ng matapos ang giyera.
Sinabi nito na, gumagawa sila ng lahat paraan para sirain ang military capabilities ng nasabing Palestinian groups.
Dagdag pa niya na hindi sila tumitigil para matukoy ang kinaroroonan ng mga bihag ng Hamas.
Binalaan din ito ang sinumang magtatangkang saktan ang mga bihag ay kanila itong aarestuhin.
Una rito ay binabatikos si Netanyahu ng mga kaanak ng bihag dahil sa hindi nito tinatanggap ang ceasefire deal.