-- Advertisements --

Nanindigan si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na may sarilng desisyon ito kung paano niya sasagutin ang ginawang pag-atake ng Iran.

Ito ang tahasang sinabi ni Netanyahu ng makapulong niya ang mga foreign ministers ng United Kingdom at Germany ganun din kay British Prime Minister Rishi Sunak.

Dagdag pa nito na bagamat may mga magandang suhestiyon ang nasabing mga bansa ay hindi nila mapipigilang ang Israel na ipagtanggol ang sarili nito.

Inanunsiyo rin nito na inaprubahan na ng kaniyang gobyerno ang planong pagsasaayos sa mga pabahay na nakapaligid sa Gaza at ito nagkakahalaga ng $5- bilyon.