-- Advertisements --

Niregaluhan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ng golden pager si US President Donald Trump.

Personal na ibinigay ni Netanyahu ang nasabing regalo noong ito ay nagtungo sa White House.

Ang nasabing pager ay sumisimbolo ng pagtatapos ng kaguluhan sa Israel.

Ang mga pagers rin aniya ay siyang tinarget ng mga sundalo ng Israel laban sa mga Hezbollah kung saan ito ay sumasabog.

Magugunitang maraming mga nasawi noong Setyembre ng nakaraang taon dahil sa pagsabog ng mga pagers na gamit ng mga Hezbollah.