-- Advertisements --

Binatikos ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang Korte Suprema ng kanilang bansa.

Iginiit nito na hindi otorisado ang korte na magpakulong ng isang prime minister.

Dagdag pa niya na ang petisyon na dapat siya maaresto ay isang delikadong pagtatangka na magdadala sa political arena ang judiciary.

Magugunitang naglabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court laban kay Netanyahu at sa dating Defence Minister ntio na si Yoav Gallant dahil umano sa war crimes.

Tiniyak naman ng Israel na kanilang iaapila ang nasabing arrest warrants.