Pinasalamatan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu si US President Joe Biden dahil sa pagsuporta sa kanilang bansa.
Sa ginawang pulong ng dalawa sa White House, na labis itong nagpapasalamat sa mahigit na 50 taon na public service at 50 taon na suporta sa Israel.
Umaasa si Netanyahu na hindi magsasawa ang US sa pagsuporta sa kanila.
Una rito ay hiniling ni Netanyahu noong nagtalumpati sa harap ng mga mambabatas ng US na dapat bilisan ng US ang kanilang pamamahagi ng tulong militar.
Magugunitang hinihikayat ng US ang Israel na pirmahan na ang ceasefire agreement nila ng Hamas para tuluyan ng matapos ang kaguluhan sa Gaza.
Matapos ang pulong ni Netanyahu kay Biden ay nakatakdana man ito ng makikipagpulong kay dating US President Donald Trump.