-- Advertisements --

Tiniyak ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ito ay makikipagtulungan sa US para tuluyang matapos ang kaguluhan sa Gaza.

Isinagawa nito ang pahayag matapos ang pakikipagpulong kay US Secretary of State Marco Rubio.

Pinuri din nito ang pagpupursigi ni US President Donald Trump para tuluyang makamit ang tunay na kapayapaan sa Gaza.

Ito ang unang pagkakataon na bumisita sa Israel si Rubio kung saan plano din niyang magtungo sa Russia at Saudi Arabia sa mga susunod na araw.