-- Advertisements --

Nagbabala si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na magdadala ng panganib para sa seguridad ng kanilang bansa ang mungkahi na magtatag ng bagong gobyerno.

Hinimok niya ang mga right-wing politicians na huwag suportahan ang isang kasunduan matapos sabihin ni ultra-nationalist leader Naftali Bennett na sasali siya sa mga pakikipag-usap kasama ang centrist na si Yair Lapid.

Si Lapid ay mayroong hanggang Miyerkules upang bumuo ng isang bagong gobyerno ng koalisyon.

Kung magtagumpay, tatapusin nito ang panahon ni Netanyahu bilang pinakamahabang naglingkod na punong ministro.

Si Netanyahu ay nahaharap din sa kasong pandaraya dahil sa nangyaring halalan noong Marso.

Ito ang pang-apat na pagkakataon na nabigo siyang makatiyak ng mga kaalyado sa koalisyon.

Inakusahan ni Netanyahu si Bennett na nanglilinlang sa publiko at “fraud of century.”