-- Advertisements --

Sinibak ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang kaniyang Defence Minister na si Yoav Gallant.

Sinabi nito na maraming mga hindi nila pagkakaunawaan lalo na sa ginaganap na giyera nito sa Gaza at Lebanon.

Ipinalit nito sa puwesto ang kaniyang Foreign Minister Israel Katz habang magiging foreign minister naman si Gideon Saar.

Dagdag pa ni Netanyahu na bumaba na ang tiwala nito sa kaniyang Defense minister kaya minabuti na ito ay kaniyang sibakin.

Naniniwala siya na ang hakbang ay magdudulot ng magandang relasyon sa kaniyang mga gabinete.