Tinawag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na isang kasinungalingan ang naging desisyon ng International Court of Justice (ICJ) na iligal ang ginawa ng Israel na sakupin ang teritoryo ng Palestine.
Magugunitang naglabas ang ICJ ng desisyon na iligal ang ginagawa ng Israel na pananakop sa Palestine.
Dahil dito ay inutusan ng ICJ ang Israel na lisanin ang mga lugar na pag-aari ng Palestine.
Mula pa ng magsimula ang kaguluhan noong nakaraang taon ay pinag-aralan na ng ICJ ang nasabing usapin.
Ayon pa kay ICJ President Nawaf Salam na hindi makatarungan ang ginagawang ito na Israel na sakupin ang Occupied Palestinian Territory.
Pinapalayas ng ICJ ang mga Israel na nasa West Bank at East Jerusalem at dapat na magbayad sila ng mga ginawang damyos.