-- Advertisements --

Tiniyak ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa mga pamilya ng natitirang bihag ng mga Hamas na gumagawa sila ng hakbang para matiyak ang ligtas nilang paglaya.

Isinagawa nito ang pagtitiyak ng makaharap niya ang ilang mga kaanak ng mga bihag ng mga Hamas militants.

Giit nito na wala talang proposal ang mga Hamas para sa pagpapalaya sa mga bihag.

Una ng tinanggihan ni Netanyahu ang hirit ng Hamas na para mapalaya ang mga bihag ay dapat tigilan na ng Israel ang paglaban sa Gaza.