-- Advertisements --

Tuluyan ng tinanggal ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang kaniyang war cabinet.

Isinagawa nito ang pag-dissolve ng six-member war cabinet, matapos ang pagbibitiw sa puwesto ni centrist oppositioin leader Benny Gantz at ang kaalyado nito na si Gadi Eisenkot.

Tiniyak naman ng Israel Defense Forces (IDF) na hindi maapektuhan ang kanilang chain of command.

Magugunitang mula pa noong Oktubre ng magsimula ang labanan ng Israel sa Hamas ay naging miyembro na sina Gantz at Eisenkot sa war cabinet.