Balak umano ng sikat na streaming service na Netflix na bilhin ang historic movie house na Egyptian Theatre na matatgpuan sa Hollywood, California.
Ang Egyptian Theatre ay unang nagbukas noong 1992 kung saan dito idinaos ang screening ng “Robin Hood” na pinagbibidahan ni Douglas Fairbanks.
Ito raw ay upang dito magdaos ng premieres at iba pang industry events ang Netflix ngunit hindi pa malinaw kung plano rin nito na magbenta ng tickets sa publiko.
Una ng nagkaroon ng problema ang Netflix sa mga may-ari ng sinehan dahil pinipigilan umano nito ang tradisyunal na pagpapalabas ng mga pelikula.
Sa halip ay maaaring mapanuod ng kanilang mga subscribers ang mga pelikula na ipapalabas pa lamang sa big screen.
Sa kasalukuyan, isang non-profit American Cinematheque ang nagpapalabas ng mga screenings at klasikong pelikula sa nasabing sinehan.