-- Advertisements --

Natanggap na umano ng gobyerno ng the Netherland ang asylum application ni dating presidential spokesperson Harry Roque.

Sinabi nito na bonafide naman ito na asylum seeker kaya may karapatan naman na siya.

Dagdag pa nito na ang kaniyang aplikasyon ay magbibigay sa kaniya na hindi siya maaaring mapalayas hanggang hindi tugunan ng gobyerno ng the Netherlands ang kaniyang hiling.

Umaasa naman si Roque na maaprubahan ng the Netherlands ang application nito.

Magugunitang nadawit si Roque sa qualified human trafficking case na isinampa kay Cassandra Li Ong at ilang mga iligal na aktibidad na kinabibilangan ng Lucky South 99 Corp.