-- Advertisements --
Nangalampag sa pamamagitan ng kilos protesta sa embahada ng The Netherlands ang ilang grupo para hilingin ang pagtanggal ng asylum kay Joma Sison dahil sa mga kasong kinakaharap nito.
Nagsagawa pa ang grupo ng symbolic arrest kay Sison.
Ilan sa mga nakilahok sa rally ay mga magulang ng mga batang na-recruit umano ng CPP-NPA.
Kaya naman, bahagyang naapektuhan ang daloy ng trapiko sa Paseo de Roxas, Makati City.
Hangad ng grupo na madakip ang communist leader kasunod ng arrest warrant mula sa korteng may hawak ng Inopacan massacre case.
Maliban kay Sison, pinapa-aresto rin ang mahigit 30 iba pa.