-- Advertisements --
Ibinalik ng Netherlands ang ilang libong mga face masks na galing sa China dahil sa ito ay mga depektibo.
Ayon sa Dutch ministry officials, hindi naabot ang quality standards ng nasabing mga masks.
Dumating ito sa kanilang bansa noon pang Marso 21 at nauna ng ibinigay sa iba’t ibang mga pagamutan.
Nadiskubre lamang ito ng masusing sinuri ang mga facemasks.
Aabot kasi sa 1.3 million ang bilang ng mga masks kung saan 600,000 dito ay naibahagi na sa mga medical workers sa iba’t ibang pagamutan.
Ilan sa mga nakitang sira nito ay hindi ito nagsasarang mabuti sa mukha at mayroong depektibong filters pa ang mga ito.