-- Advertisements --

Nakatakdang sampahan ng The Netherland sang Russia sa European Court of Human Rights dahil sa pagpapabagsak nito ng Malaysia Airlines flight MH17 sa Ukraine na ikinasawi ng 300 katao.

Sinabi ni Foreign Minister Stef Blok, nais lamang nilang suportahan ang kaso na isinampa ng mga kaanak ng mga nasawing pasahero.

Maging malaking prioridad pa rin ng gobyerno ang pagkamit ng hustisya ng mga biktima.

Magugunitang galing ang Boeing 777 sa Amsterdam patungong Kula Lumpur, Malaysia ng ito ay bumagsak pagsapit sa Ukraine noong Hulyo 17, 2014.