-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Dutch government ang kanilang pagluluwag ng COVID-19 restrictions.
Kasabay din nito ay ipinakilala nila ang “corona” pass na nagpapakita na sila ay bakunado na ang mga indibidwal bago makapasok sa mga bars, restaurants, clubs at ilang mga events sa The Netherlands.
Sinabi ni Prime Minister Mark Rutte na lahat ng mga social distancing requirements ay kanila na ring tatanggalin simula sa Setyembre 25.
Paglilnaw pa rin nito na ipapatupad ang pagsusuot ng face mask sa mga public transportation at sa mga paaralan.
Hinikayat niya ang mga mamamayan na kung maari ay sa bahay na lamang sila magtrabaho.
Aabot kasi sa mahigit 70% ng population ng Dutch ang naturukan na ng dalawang doses ng COVID-19 vaccine.