-- Advertisements --

May napuna na namang mali ang mga Netizens sa mga signage sa Light Rail Transit Line 1.

Napansin kasi ng mga netizens, maling signage sa Pedro Gil Station ng naturang railway na kung saan mababasa ang mga katagang “University of Philippines Manila” sa halip na “University of THE Philippines Manila”.

Sinagot naman ito ng pamunuan ng Light Rail Manila Corp. at sinabi ng kasalukuyan na nilang inaayos ang revision sa mga signages LRT-1.

Kung maaalala, una nang naging tampulan ng pansin ang mga signages sa naturang railway matapos na mapuna ng mga netizens ang mailing spelling nito kung saan mababasa ang “National Bureau of InvesTAGATION” sa halip na “National Bureau of INVESTIGATION”.

Agad namang humingi ng paumanhin ang pamunuan ng LRT-1 ukol dito atsaka tinakpan ang naturang karatula, kasabay ng Pagtitiyak na sa kabila ng pagkakmaling ito ay nananatiling ligtas at smooth ang mga biyahero ng mga pasaherong gumagamit ng naturang tren.