-- Advertisements --

Patuloy pa rin umanong inaambisyon ng iba ng mga teams na makuha ang kontrata ng basketball superstar na si James Harden, ilang araw bago magtapos ang NBA trade deadline.

Kabilang umano sa hayagang nagkainteres na masungkit ang matamis na “oo” ni Harden ay ang Philadelphia Sixers.

Nagkataon kasi na magtatapos na ang kontrata ni Harden kaya otomatiko siyang magiging free agent.

Sinasabing ang presidente ng basketball operations ng Philadelphia ay hiniling sa general manager ng Brooklyn kung puwedeng makuha nila o palitan si Harden sa tamang presyo.

Pero agad umano itong ibinasura ng Brooklyn.

Una na ring napaulat na ninanais pa rin ni Harden na manatili sa Nets na hangad ang makaabot sila ng kampeonato.

Sa ngayon nasa injury list pa rin si Harden kasama ang isa pa sa big three ng koponan na si Kevin Durant.