-- Advertisements --

Bumawi ngayon ng panalo ang Brooklyn Nets laban sa Cleveland Cavaliers, 109-99.

Kung maalala kahapon ay pinahiya sila matapos na tambakan ng husto ng Golden State Warriors.

Kevin Durant KD Nets

Sa pagkakataong ito hindi na nagpabaya sina Kevin Durant na may 23 points at si James Harden na nagtapos sa 27 points.

Malaki rin ang naiambag nina LaMarcus Aldridge na nagpakita ng 24 at si Patty Mills ay hindi rin nagpahuli sa 21 points.

Ito na ang ika-11 panalo ng Brooklyn habang may 9-5 na record ang Cavs.

Sinamantala din ng Nets ang kawalan ng limang players ng Cavs bunsod ng injury.

Nanguna naman sa Cleveland si Ricky Rubio na nagpakawala ng 25 points, Darius Garland na may 24 at sina Kevin Love, Cedi Osman, at Dean Wade ay mag tig-11 puntos.