-- Advertisements --

Inangkin ng Brooklyn Nets ang kanilang unang playoff berth sa loob ng apat na taon sa 108-96 victory kontra sa Indiana Pacers.

Pinamunuan ni D’Angelo Russell ang paghataw ng Nets tampok ang kanyang 20 points, na dinagdagan ni Joe Harris ng 19 points.

Sa pagsisimula pa lamang ng laro ay ipinamalas na agad ng Nets pagkapisikal at agresibo kung saan nagmula sa kanila ang unang siyam na puntos.

Sa kabilang dako, ito naman ang ikalawang sunod na pagkatalo ng Pacers sa home at ikalima sa pito, dahilan para makandado sila sa No. 5 seed sa East.

Sumandal ang Indiana kay Domantas Sabonis na kumubra ng 17 points at 12 rebounds.