-- Advertisements --
Hindi nababahala ang Brooklyn Nets kahit maraming mga manlalaro nila ang hindi makaksali sa Chirstmas games nila laban sa Los Angeles Lakers.
Aabot kasi sa siyam na mga Nets players ang kasalukuyang nasa health and safety protocols.
Kinabibilangan ito nina Kevin Durant, Kyrie Irving, LaMarcus Aldridge, Bruce Brown, James Johnson, Cam Thomas, David Duke Jr, Kesser Edwards at Day’Ron Sharpe.
Ayon naman kay Nets coach Steve Nash na tanging si James Harden lamang ang napayagan na makapaglaro laban sa koponan na pinangungunahan ni LeBron James.
Dagdag pa nito na gagawin na lamang nila ang kanilang makakaya para tapatan ang mga manlalaro ng Lakers.