-- Advertisements --
Pinatawan ng multa ng NBA ang Brooklyn Nets matapos na payagan ang hindi bakunado na si Kyrie Irving na sumama sa locker room ng mga players habang nasa New York ang team.
Hanggang ngayon kasi ay bawal ang NBA superstar na maglaro sa estado ng New York dahil sa mahigpit na COVID protocols.
Una rito, nakaharap kahapon ng Brooklyn ang New York Knicks at nanood sa bench ng arena si Irving kahit hindi naglaro.
Matapos ang laro ay pumasok si Irving sa locker room na siyang ipinagbabawal ng batas ng new York City dahil bahagi raw ito ng work place environment.
Umabot naman sa katumbas na P2.5 million ang ipinataw na multa ng NBA sa Nets.