-- Advertisements --

Opisyal ng inanunsiyo ng Brooklyn Nets ang muling pag-renew ng kontrata ni All-NBA forward Kevin Durant para sa multi-year extension.

Hindi na nagbigay pa ng anumang detalye ang koponan kung magkano ang naging kontrata.

Sinabi ni Nets general manager Sean Marks na malaking tulong sa kanilang koponan si Durant at masaya silang muling makasama ito.

Unang naglaro sa Nets si Durant noong 2020-21 season kasama sina Kyrie Irving at James Harden.

Noong 2021 playoffs ay mayroong 34.3 points per game average kung saan naitala niya ang 48 points sa Game 7 ng Eastern Conference semifinals laban sa Milwaukee Bucks.