Hindi papayagan ni Brooklyn Net general manager Sean Marks na makasama sa praktis o laro ng koponan si Kyrie Irving.
Kasunod ito sa usapin ng pagtanggi nitong magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19.
Ang pahayag ni Marks ay taliwas sa naunang desisyon na papayagan lamang si Irving na magpraktis sa kanilang pasilidad pero pagbabawalan na makapaglaro kahit sa kanilang home court sa Barclays Center.
Dagdag pa ng Nets GM na kanilang nirerespeto ang naging personal na choice ni Irving.
Paglilinaw pa nito na hindi nagbabago ang kanilang target na makakuha ng kampeonato ngayong taon.
Magugunitang inihayag ng seven-time All-Star player na sabik na itong maglaro sa harap ng maraming fans subalit ayaw nitong isawalat ang kaniyang vaccination status.
Magsisimula ang laro ng Nets 2021-2022 season laban sa defending champion na Milwaukee Bucks sa Oktubre 19.