-- Advertisements --

Nakuha ng Brooklyn Nets ang unang panalo laban sa Milwaukee Bucks 115-107 sa kanilang best of seven Eastern Conference semifinals.

Naging bida sa panalo ng Nets si Kyrie Irving na nagtala ng 25 points, walong assists habang nagdagdag ng 19 points si Joe Harris samantalang mayroong 18 points, 14 rebounds si Blake Griffins.

Naging malaking hamon sa Nets ang laban dahil sa nagtamo ng right hamstring injury si James Harden sa simula ng first quarter at hindi na nakabalik pa.

Nasayang naman ang nagawang 34 points ni Giannis Antetokounmpo at 19 points ni Brook Lopez ng Bucks.