-- Advertisements --

Nagsama ng puwersa ang dalawang veterans superstars na sina Kevin Durant at James Harden upang makalusot ang Brooklyn Nets laban sa New York Nets, 112-110.

Nagpanalo sa Nets ang huling 2.2 seconds nang maipasok ni James Johnson ang dalawang free throws sa harap ng pinakamalaking bilang ng mga fans na nanood sa game sa Brooklyn.

Nagtala si Harden ng 34 points, 10 rebounds at eight assists, habang si Durant naman ay nagtapos sa 27 points at nine assists para sa kanilang 15-6 record.

Sa kampo ng Knicks muling nanguna si Julius Randle nang magpakita ng 24 points, nine rebounds at eight assists.

Hawak ngayon ng Knicks ang 11-10 win-loss record.