Nakalusot ang Brooklyn Nets sa tangkang comeback ng Chicago Bulls sa paghaharap ng dalawang team ngayong araw, Nov. 2.
Nagtapos ang laban ng dalawa sa score na 120 – 112, pabor sa Bulls.
Bumida sa panalo ng Nets ang guard na si Cam Thomas na kumamada ng 32 points.
Mistulang bumalik rin sa kaniyang dating play ang defensive player na si Ben Simmons at kumamada ng solidong 8 rebounds, 11 assists, at 8 points, habang 14 points ang ambag ng bagitong si Cameron Johnson.
Bagaman hawak ng Nets ang 8-pt. lead sa unang dalawang quarter ng laro, humabol ang Bulls sa ikatlong kwarter at ibinaba ang kalamangan sa dalawang puntos.
Tinangka pa ng Bulls na burahin ang lead sa huling kwarter ng laro at nagawang itabla ang score sa 104, anim na minuto bago matapos ang laro.
Naging gitgitan pa rin ang tapatan hanggang sa huling 2 minuto ng laban kung saan nagpasok si Cam Thomas ng dalawang magkasunod na 3 points, 118 – 109(1:52 sa regulation).
Pinilit pa ng Bulls na bumangon sa siyam na puntos na pagkakabaon ngunit naging solido ang depensang ipinakita ng Nets hanggang sa matapos ang laban, 120 – 112.
Kapwa 3 – 3 ang kartadang hawak ng dalawang koponan.