Nakatakdang ianunsiyo ng Brooklyn Nets ang ginawa nilang pagkuha kina Golden State Warriors forward Kevin Durant at Boston Celtics star Kyrie Irving.
Lumabas kasi ang usapin na nakatakdang pumirma na ng $164 million four-year contract ang 30-anyos na si Durant.
Sa nasabing paglagda ni Durant sa Nets ay tila binalewala na nito ang alok ng Warriors na $221 million sa loob ng limang taon para manatili sa koponan.
Ayon sa team, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para lalong umangat pa ang kanilang standing.
Magugunitang nagtamo ng strained right calf injury si Durant sa Game 5 ng Western Conference semifinals laban sa Houston Rockets na lumala pa ito ng maglaro siya sa finals kontra Toronto Raptors.
Nitong nakaraang season ay nagtapos sa 42-40 win-loss record ang Nets para umabot sa playoffs.