-- Advertisements --

MALWAUKEE – Kumamada ng 25 points at 10 assists si D’Angelo Russle, at iginupo ng Brooklyn Nets ang Milwaukee Bucks, 133-128.

Nakagawa ang Brooklyn ng 19 na 3-pointers at mayroon pang walong manlalaro na nagtapos na may double figures.

Tumipa si Caris LaVert ng 24 points, at mayroon namang 16 si Jared Dudley.

Dahil sa panalong ito, nasa pang-anim na puwesto na ang Nets sa Eastern Conference playoff race.