-- Advertisements --

Nagpositibo sa coronavirus si Brooklyn Nets star DeAndre Jordan.

Dahil dito ay hindi na ito matutuloy na maglaro sa muling pagbubukas ng liga sa susunod na buwan.

Jordan DeAndre
DeAndre Jordan/ IG post

Sa kaniyang social media, sinabi ng 31-anyos na dating NBA All-Star, na hindi niya akalain na magpositibo sa pangalawang confirmation.

Nasa pang-pitong puwesto sa NBA Eastern Conference ang Nets.

May average na 8 points at 10 rebounds.

Magugunitang ilan sa mga NBA players na nagpositibo sa coronavirus ay sina Spencer Dinwiddle nitong linggo habang si Kevin Durant ay nagpositibo rin sa nasabing virus noong Marso.

Dahil dito ay mayroong pitong manlalaro ang Nets na hindi makakasali sa liga kapag ito ay muling nagbukas.