-- Advertisements --

Target ng Brooklyn Nets na kunin bilang bagong head coach nila si Gregg Popovich.

Sinabi ni Nets general manager Sean Mark, na isa lamang si Popovich na nangunguna sa kanilang listahan.

Mula kasi noong 1996 ay naging coach na si Popovich sa Spurs kung saan nakasama pa ito ni Mark.

Magugunitang hindi pinaporma ng Toronto Raptors ang Nets ng ma-sweep nila 4-0 ang kanilang first round playoffs.

Ilan sa mga kandidato sa pagiging coach ng Nets ay sina Jason Kidd, Tyronn Lue, Ime Udoka at Jeff Van Gundy.