-- Advertisements --

Bumida si James Harden sa Brooklyn Nets gamit ang 18 points, 10 rebounds, at 12 assists upang tambakan sa score na 117-91 ang Detroit Pistons.

Dahil dito si Harden na ang Brooklyn’s all-time leader nang iposte ang 13 triple-doubles para abutin ang record ng legend na si Larry Bird bilang ikalawa sa NBA’s all-time list na may 59.

Katuwang ni Harden si Kevin Durant na nagtala rin 23 points bago na-eject sa third quarter.

Si Durant ang ikatlong player sa Nets NBA history na umiskor ng 20 points o higit pa sa unang seven games sa pagsisimula ng bagong season.

Nag-ambag din naman si LaMarcus Aldridge ng 16 mula sa bench.

Sa ngayon hawak na ng Nets ang 4-3 record, samantalang ang Pistons ay nangungulelat sa 1-5.