-- Advertisements --

Inilampaso ng Brooklyn Nets ang karibal na Philadelphia Sixers, 129-100.

Ito ang unang paghaharap ng dalawang teams mula ng maisagawa ang kontrobersiyal na blockbuster trade o palitan ng ilang big time players.

Nagsama ng pwersa ang mga superstars na sina Kevin Durant na may 25 points, Seth Curry na nag-ambag ng 25 puntos at si Kyrie Irving na nagpakita ng 22 points upang pahiyain ang Sixers sa harap ng kanilang mga fans.

Si Curry at Andre Drummond na naglaro rin ay mga dating players ng Sixers.

Ang All-Star na si Ben Simmons ay hindi pa naglalaro pero nang pumasok ito sa bench ng Brooklyn ay inulan ng matinding kantyaw ng kanyang dating mga fans.

Dinagdagan tuloy ang seguridad hanggang sa isang fan ang pinalayas mula sa loob ng arena.

Samantala sa panig naman ng Philadelphia naglaro rin ang superstar na si James Harden na dating player ng Nets.

Medyo inalat si Harden na meron lamang 11 points.

Habang ang MVP contender na si Joel Embiid ay nagtapos sa 27 points.