-- Advertisements --

Bumida si Kyrie Irving sa kanyang 32-point performance upang walisin ang New Orleans Pelicans, 134-129.

Isinalba ni Irving ang team gamit ang turnaround jumper at lay up at apat na free throws sa huling isang minuto ng laro upang iposte ang kanilang ika-39 na panalo ngayong season.

Kyrie Irving

Pinuri naman ni Nets forward Blake Griffin na may 16 points at 8 rebounds ang ginawa ni Irving upang sila ay makalusot sa Pelicans.

Umeksena rin naman si Joe Harris na nagdagdag ng 24 points kahit wala ang kanilang mga superstars na sina Kevin Durant at James Harden.

Samantala para sa Pelicans (25-33) nasayang naman ang ginawang kayod ni Zion Williamson na tumipon ng 33 points.

Sinasabing sa taong 2022 ay eligible na si Sotto na maging bahagi sa NBA Draft.

Kung mangyari at maglaro siya sa NBA, siya ang magiging kauna-unahang full blooded Pinoy sa premiere league sa buong mundo.