-- Advertisements --
Iniimbestigahan ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) advisory panel ang reports na nakaranas ng “neurological disorder” ang mga naturukan ng Johnson & Johnson’s COVID-19 vaccine.
Naglabas ng paalala ang US Food and Drug Administration na ang mga naturokan ng J&J’s single-shot vaccine ay mataas ang tsansa na makaranas ng Guillain-Barre syndrome makalipas ang anim na linggo matapos ang vaccination.
Sinuri ng CDC advisory panel ang mga panganib at benepisyo na dala ng bakunang J&J matapos ang mga paunang ulat.
Base sa report, sa loob ng 100 recipients ng J&J vaccine, 95 sa kanila ang nakaranas ng serious cases habang isa ang namatay.