-- Advertisements --
pacquiao champion
Thurman raises the hand of Pacquiao after the 12-round championship fight (photo from Bombo international correspondent Ponciano “John” Melo, Jr.)

Naglabas ngayon ng medical suspension order ang Nevada Athletic Commission kay Manny Pacquiao at Keith Thurman matapos ang matindi nilang bakbakan nitong nakalipas na Linggo.

Ayon sa Commission kailangan daw ni Thurman na sumailalim sa X-ray upang matiyak na walang fracture sa kanyang kanang kamay kung gusto pa nitong lumaban bago ang Enero 17 nang susunod na taon.

Batay sa kautusan ng Nevada, pinatawan ito ng minimum suspension hanggang September 4 o walang contact hanggang August 20.

Para naman kay Pacquiao, inabisuhan ito ng Athletic Commission para sa medical suspension hanggang August 20 at walang dapat contact o gagawing pagboboksing hanggang August 11 nitong taon.

Kung maaalala una nang sinabi ng fighting senator na ang kanyang next fight ay maaaring gawin sa susunod na taon na.

Sa 11 fights na ginawa sa Nevada, halos isang fighter sa bawat bout ang pinatawan ng temporary ban.