-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang Nevada.
Ayon sa US Geological Survey, may lalim ito ng 4.7 miles at ang sentro nito ay sa bayan ng Tonopah ang silangang bahagi ng Sierra Nevada range.
Sinabi naman ni USGS spokesman Paul Laustsen na malawakang naramdaman ang nasabing lindol at hindi bababa sa apat na aftershocks ang naramdaman.
Tinitignang mabuti ng mga otoridad kung may mga damyos na naitala sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.