-- Advertisements --

Humingi na ang mga New Delhi government ng tulong sa army para malabanan ang kaso ng COVID-19.

Nakakaranas kasi ng kakulangan ng medical oxygen ang maraming pagamutan sa India.

Nais ng gobyerno na ang mga sundalo na ang magpatakbo ng mga pagamutan.

Nagreklamo naman si Delhi Chief Minister Arvind Kejriwal na hindi sila nakakakuha ng mga sapat na alokasyon ng oxygen mula sa federal government.

Nananawagan naman ang mga pagamutan ng tulong sa kanilang social media para matiyak ang supplies ng medical oxygen.