-- Advertisements --

SOUTH AFRICA – Ipinanganak ni Gosiam Thamara Sithole, 37, residente ng Tembisa East sa Johannesburg, South Africa ang kanyang decuplets o 10 babies sa isang hospital sa Pretoria sa South Africa.

Ipinanganak ang decuplets via cesarian-section at 29 weeks at ito ay binubuo ng pitong lalaki at tatlong babae.

10 babies Southe Africa

Hindi naman makapaniwala si Gosiam dahil ayon pa sa mga doktor ay inaasahan nila na sextuplets o anim na baby lang at ng i-scan ito ulit bago manganak ay octoplets o walong babies lang ang lumabas sa ultra-sound.

Ang dalawang baby umano ay hindi na-detect sa ultra sound dahil ito’y nasa loob ng maling tube.

Bagamat ikinatuwa, naging emosyonal naman at hindi makapaniwala si Sithole dahil naka-survive ang kanyang 10 babies.

Si Thamara ay may una ng anak na kambal na anim na taon.

Ang kaso naman ni Sithole ay pambihira at kadalasa’y sanhi ito ng fertility treatment kung kaya’t ang mga sanggol ay ini-incubate ng ilan pang mga buwan.

Sa ngayon, na-break ni Sithole ang Guinness World Record ng isa ring South African na mula sa Mali na nanganak ng siyam na sanggol doon sa Morocco noong May 2021.