-- Advertisements --
SSS web 2

Iniulat ngayon ng Social Security System (SSS) ang mas pinaganda nilang online website na My.SSS na lalo umanong naging user-friendly.

Ayon kay SSS president at Chief Executive Officer Aurora Ignacio, dahil sa mas moderno nitong design, tiyak na magiging madali na rin ang pag-browse sa portal lalo na para sa mga SSS member.

Tiniyak naman ni Ignacio na mananatili pa rin daw ang sistema sa pag-check sa online transactions tulad ng SSS contributions at membership records.

Aniya, ang SSS web portal ay maaring ma-access na muli makaraang makompleto na ang application at data correction para sa mga Small Business Wage Subsidy (SBWS) program.

“Despite its new design, My.SSS retains the important features found in the old design. Members must not worry that it will take time to learn how to navigate the portal. The process of checking their contributions and membership records or making online transactions remains the same,” paliwanag pa ni Ignacio. “We are shifting our core and business processes to further improve our services to SSS members. In the coming months, other benefit claim applications such as the unemployment benefit will also be made available online as well as other programs like the Pension Loan Program (PLP). We are committing ourselves in fast-tracking the digital transformation of SSS in the coming years.”

Ipinaalala naman na ang SSS members ay maaring makapagproseso sa mga sumusunod na transactions gamit ang website:

-pag-check ng contribution records
-pag-update sa contact details
-magbayad ng contribution gamit ang Moneygment
-pag-file ng salary loan application
-mag-submite ng maternity notification
-nag-file ng retirement claim application
-schedule ng branch appointment
-makikita rin ang mga location ng SSS branches
-mag-request ng SSS record
-generate Payment Reference Number (PRN)/Statement of Account (SOA)

Samantala, hinikayat din ang mga miyembro na mag-register sa SSS website at gumawa ng sariling My.SSS account para makapagbenepisyo sa online services ng web portal.