-- Advertisements --

Pormal nang inilabas ng Commission on Elections (Comelec) ang itinuturing na “new normal” campaign guidelines sa harap ng COVID-19 pandemic.

comelec palacio del gobernador

Sa nasabing guidelines, nakalatag ang mga patakaran para sa in-person campaigning; pagdaraos ng political meetings, caucuses, conventions, rallies at miting de avance; motorcades at caravans.

Para sa in-person campaign, magkakaiba ang patakaran depende sa alert level classification ng bawat lugar.

Para sa Level 1, walang restrictions o limit sa in-person campagining; sa Level 2, hanggang sa anim lamang ang maaring mag-ikot para sa pangangampanya kasama na ang kandidato; sa Level 3, apat katao lang ang puwede; at sa Level 3 at 5 naman ipinagbabawal talaga ang pangangampanya.

Mahigpit nang ipinagbabawal ang pakikipagkamay, pagyakap, at iba pang physical contact; pati rin ang pamamahagi ng pagkain, inumin o anumang goods at items.

Ang mga makakasama ng kandidato sa in-person campaigning ay kailangan mayroong maipakita sa Comelec Campaign Committee (CCC)na proof of identity, pati na rin ang detalye ng kanilang mga aktibidad.

Ang mga caucuses, meetings, conventions, rallies at miting de avance ay limitado lamang sa 70 percent ng kapasidad ng venue para sa Level 1; hanggang sa 50 percent naman ng kapasidad ng venue para sa Level 2; hanggang sa 50 percent capacity din para sa Level 3 pero para lamang sa enclosed outdoor venues; at 30 percent capacity para naman sa enclosed outdoor venues sa Level 4.

Ipinagbabawal ang mga ganitong aktibidad sa Level 4.

Pagdating sa mga motorcades at caravans, nililimitahan na ng poll body sa 70 percent ng capacity ng mga truck, bus, mini-trucks, at jeepneys para sa Level 1; hanggang sa 50 percent capacity sa Levels 2 at 3, at 3 percent naman para sa Level 4.

Pinapayagan ang fully capacity para sa service utility vehicles, sedans, owner-type jeepneys sa ilalim ng Level 1 at 2; at hanggang dalawang pasahero kada row naman at isa sa drivers row para sa Level 3 at 4.

Sa mga tricycle, sa Levels 1 at 2, pinapayagan ang full capacity; sa Level 3, isang pasahero lamang ang puwede sa sidecar at isa rin sa backride; at isang pasahero naman sa side car lang at wala nang backride passenger para sa Level 4.

cropped James Jimenez Comelec Spokesperson
Comelec Spokesman James Jimenez

Lahat ng mga pangangampanya ay kailangan na mayroong permit mula sa Comelec Campaign Committee.

Ang komite ay binibigyan ng 48 oras para asikasuhin ang applications na ito.

Para sa istriktong pagsunod ng COVID-19 protocols, ang Comelec ay magde-deploy ng mga barangay officials, tanods, at miyembro ng barangay health emergency response team.

Nariyan din ang mga kawani ng PNP at AFP para sa pagpapanatili naman ng kaayusan at seguridad.

Anumang paglabag sa panuntunan na ito ay maituturing election offense, na may kaakibat na parusang isa hanggang anim na taong pagkakakulong.