-- Advertisements --

Nakatakdang maglabas ang Commission on Election (COMELEC) ng “new normal” guidelines para sa 2022 national and local elections.

Sinabi ni COMELEC spokesperson James Jimenez, na posible hanggang sa buwan ng Oktubre bago ang filing of candidacy ay maipapalabas ang nasabing mga guidelines.

Ilan sa mga bagong guidelines ay ang pagbabago sa sa pagsasagawa ng election campaigns, presidential debates ganun din ang pagproseso ng mga Certificate of Candidacy.

Nauna ng sinabi ng COMELEC na may mga pagbabago silang gagawin sa mga panuntunan sa kampanya para sa 2022 national and local elections dahi sa COVID-19.